Pag-asa ng Bayan

    Buwang ng Wika 2019
Wikang Katutubbo Tungo sa Isang Bansang Filipino
 Malaya nga ba ang pilipinas tulad ng sabi ng iba? O isa lang tayong bansang walang pagkakaisa kayat nawawala na ang kalayaang ating inaasam.
     Marami na ang taong nakalipas matapos idineklara ang kalayaan ng pilipinas, marami naring nabuong pagkakasundo ng bawat sektor ng lipunan ng pilipinas para sa ating kabutihan. Ngunit bakit nga ba marami paring problemang kinakaharap ang ating bansa? Isang sagot lamang. Hindi tayo isa.
     Sa panahon ngayon marami na ang nagkakaintindihan sa ating mga pilipino, hindi lamang sa iisang lugar ngunit sa buong bansa. Ito'y dahil may isa tayong pangunahing wikang isinasalita at ito ang ating pambansang wikang Filipino.
Image result for quotes about wika     Sa buwan ngayon may selebrayon tayong pinapahalagan at ito ang buwan ng wika kung saan ating binibigyang pansin at pinapahalagahan ang ating wikang Filipino. Ang wikang ito ay ang nagbigay pag-asa sa bawat puso ng mga pilipino sa ating pangarap na magkaisa ang mamamayan sa ating bansa.
     Hindi dapat ito minamaliit sapagkat dito natin mabibigyang paalala ang mga taong naliligaw ng landas o ang pagkapilipino nito. Kaya't ating pahalagahan ang wikang pambansa sapagkat ito'y nagbibigay kulay at walang kupas na nagpapaalala sa atin na tayo'y isang bansang Filipino.

picture:https://g3424.files.wordpress.com/2016/10/rizal.png?w=685
article:http://talalorasamar.blogspot.com/2018/08/tangkilikin-ang-sariling-atinwikang.html

Comments